Francis Rubio
Search

Get in touch.

So I know how to address you in my reply.

So I can reply to your message.

How can I help you?

Hire me full time

UI/UX Design

Web development

Consulting

Brand design

Training

Public Speaking and Workshops

Mentorship

Ask questions

You may include links to relevant information, inspirations, moodboards, or similar products. Ask as many questions as you want!

Arsenokoitai: Ang LGBTQ+ community sa perspective ng Bibliya

Galit ba talaga ang Diyos sa mga bakla?

Ang buwan ng June 2021 ang pinakauna kong Pride month celebration out in the open. Last month, I came out of the closet via a Facebook post and sinabi ko na sa lahat na ako ay isang bisexual[1]. Pero ilang taon na rin akong sumasali sa mga discussion around gay rights and equality. Siguro dala na rin ng kagustuhang higit pang makilala ang sarili ko at ang lugar ko sa lipunan.

Lumaki akong isang Saksi ni Jehova. Bago namatay ang nanay ko, nag-aral kami ng Bibliya, at eventually pagkatapos niyang mamahinga nang tuluyan, nagpa-convert ako at naging isa sa kanila. Naniniwala sila na kasalanan ang pagiging homoseksuwal. In fairness sa kanila, generally hindi homophobic ang indibiduwal na mga members ng relihiyon. Pero homophobic by default ang sistema nila ng paniniwala dahil nga naniniwala sila na hindi maliligtas ang mga bakla at lesbian.

Ganito ang kaso para sa maraming relihiyong Kristiyano. At nakakalungkot, para sa mga gaya kong hindi pa nakakapagladlad at miyembro din ng mga ganitong simbahan, kinakailangan naming i-suppress ang gender identity at expression namin para mag-conform sa belief system ng kinaaniban naming relihiyon.

Gaya ng marami, nagkaroon din ako ng identity crisis. Pilit kong ni-reconcile ang pagsuporta sa equality at karapatang pantao ng mga LGBTQ, at ang paniniwala ko na kasalanan ang pagiging homoseksuwal. Siguro imposible nga, pero inisip ko sa loob ng maraming taon na puwede. Sinuportahan ko ang mga online campaigns may kinalaman sa gay rights, partikular na ang SOGIE Equality bill, habang ipinapangaral na hindi ko gagawin ang lifestyle ng mga LGBTQ+, na para bang pinili nilang maging ganoon sila.

Christian Homophobia

Malimit gamitin ang kasabihang ito sa mga Christian community bilang argumento laban sa LGBTQ+:

Adam and Eve, not Adam and Steve

Reference ito sa kuwento sa Bibliya tungkol sa unang taong nilikha ng Diyos, sina Adam at Eve. Ayon sa slogan na ito, dahil nilikha ng Diyos ang tao na lalaki at babae, walang lugar sa mundo ang mga miyembro ng tinatawag na third sex[2]. Sa maraming lugar sa mundo, nagkaroon ng maraming movement at kontra-protesta ang mga Christian community laban sa mga LGBTQ+. Sa mga movement at kontra-protestang ito, ikinakampanya nila ang paniniwala nilang galit ang Diyos sa mga LGBTQ+ at na mapupunta sila sa impiyerno para parusahan magpakailanman.

Naging matunog sa social media ang mga discussion tungkol sa SOGIE Equality bill last year nang pag-usapan ito ng mga mambabatas. Nagbatuhan ng mga argumento ang mga kontra at panig dito.

Ilan lamang ito sa mga tweets ng mga netizen last year tungkol sa SOGIE Equality bill, at by extension, sa karapatan ng mga LGBTQ+. At bagama’t gusto kong sagutin dito ang mga argumento ng mga anti-SOGIE bill, hindi tungkol doon ang blog post na ito.

Ang salitang arsenokoitai

Sa mga diskusyong ito, nababanggit ang ilan sa mga teksto sa Bibliya na ginagamit ng mga Kristyano laban sa mga LGBTQ+. Pinag-aralan ko ang Bibliya bilang Saksi ni Jehova for more than ten years, kaya naman siguro qualified akong i-discuss ang ilan sa mga ito. Ang punto ko rito ay hindi galit ang Diyos sa mga LGBTQ+.

Isa sa mga tekstong madalas gamitin ay ang 1 Corinthians 6:9:

Or do you not know that wrongdoers will not inherit the kingdom of God? Do not be deceived: Neither the sexually immoral nor idolaters nor adulterers nor men who have sex with men

1 Corinthians 6:9 (NIV)

Bago natin i-discuss ang tekstong ito, kailangan muna natin ng kaunting background history tungkol sa Bibliya. Isinulat ang Bibliya originally sa tatlong wika: Hebrew at Aramaic (Old Testament), at Greek (New Testament). Nang lumaganap ang Judaism sa Greece later on, isinalin ang Old Testament sa Greek para sa mga hindi marunong bumasa ng Hebrew at Aramaic. Ang translation na ito ay kilala ngayon bilang Septuagint. At later on nang lumaganap ang Kristiyanismo sa mundo, isinalin ang buong Bibliya sa iba’t ibang wika, partikular na sa Latin, English, German, at French.

Balikan natin ang 1 Corinthians 6:9. Sa tekstong ito, ang salitang Greek na ginamit sa phrase na men who have sex with men ay ἀρσενοκοῖται (arsenokoitai). Mula ito sa dalawang salitang Greek na ἀρσενο (arseno, lalaki) at κοῖται (koitai, higaan). Sa Bibliya, kapag binabanggit ang salitang higaan, karaniwan nang nagpapahiwatig ito ng pakikipagtalik, gaya sa Hebrews 13:4.

Ayon sa ilang sources[3] [4], ang apostol na si Pablo (na author ng 1 at 2 Corinthians) mismo ang nag-coin ng terminong ito na arsenokoitai. Nakuha niya ito sa Septuagint translation ng Leviticus 18:22:

You shall not lie with a male as with a woman; it is an abomination.

Leviticus 18:22 (ESV)

Sa tekstong ito, ginamit ng Septuagint ang mga salitang arseno at koitai sa phrase na lie (koitai) with a male (arseno). Sa maraming Bible translations ngayon, tina-translate ang arsenokoitai bilang homosexual o men who have sex with men. Pero maraming diskurso tungkol dito, at nagtatalo-talo pa rin ang mga Bible scholars tungkol dito.

Isa sa mga theologian na ito ay si Kevin DeYoung. Ayon sa kaniya, sa halip na homosexuality, tumutukoy ang salitang arsenokoitai sa isang partikular na uri ng pederasty. Ayon kay DeYoung, hindi tumutukoy ang arsenokoitai sa homosexuality in general, o sa pederasty sa pangkalahatan, kundi sa isang uri ng pederasty kung saan inaalipin ang isang batang lalaki para magamit sila sa pakikipagtalik paglaki nila.[5]

Hindi lumitaw ang salitang “homosexual” sa Bibliya hanggang noong taóng 1946 sa Revised Standard Version ng Bibliya[6]. 19 centuries iyan pagkatapos mamatay ni Jesus. Sa kasaysayan ng Bibliya, maraming salita ang ginamit bilang translation ng salitang arsenokoitai, at lahat ito ay may kinalaman sa mga specific na practices gaya ng pedophilia at sex trafficking na hanggang ngayon ay matatawag pa ring kasuklam-suklam, gaya ng sinasabi ng Bibliya. Pero tikom ang bibig ng Bibliya may kinalaman sa consensual romantic relationships sa pagitan ng mga taong pareho ang kasarian.

Politikal kasi ang mga translation ng Bibliya. Halimbawa, sa panahon ni Martin Luther, tina-translate ang arsenokoitai para tumukoy sa masturbation dahil iyon ang kasalanan na gustong labanan ng mga translator noong panahong iyon. Isa pang halimbawa ay ang 1984 New International Version at ang paggamit nila sa phrase na homosexual offenders bilang translation ng arsenokoitai. Pero binago nila ito noong 2011 at ginawang men who have sex with men kalaunan para tumukoy sa isang mas specific na uri ng homosexuality.[7]

Ano ang masasabi ni Jesus?

Si Jesus ang central figure ng pananampalatayang Kristiyano. At bagama’t si apostol Pablo ang may pinakamaraming ambag sa New Testament, mas mahalagang malaman ang opinyon ni Jesus tungkol sa mga LGBTQ+. Sa isang instance sa Bibliya, nilista ni Jesus ang mga kasalanan na nagpaparumi sa isang tao:

However, whatever comes out of the mouth comes from the heart, and those things defile a man. For example, out of the heart come wicked reasonings: murders, adulteries, sexual immorality, thefts, false testimonies, blasphemies. These are the things that defile a man; but to take a meal with unwashed hands does not defile a man.

Matthew 15:18-20 (NWT)

Pansinin na sa listahang ito, hindi binanggit ni Jesus ang pakikipagrelasyon sa same-sex, o kahit ang same-sex intercourse. Ano ang ibig sabihin nito? Isa sa mga ito:

  • Malamang na hindi nakikita ni Jesus ang homosexuality bilang isang kasalanan
  • Malamang na kino-consider niya ito na isang kasalanan pero hindi kasinglalâ ng iba pang mga binanggit niyang kasalanan
  • Malamang na kino-consider niya ito bilang isang malaking kasalanan, pero kaunti lang ang gumagawa kaya hindi na niya binanggit,
  • Malamang na nakita ni Jesus ang same-sex relationships at intercourse bilang isang anyo ng fornication, at kasama na sa listahang ito
  • Malamang na hindi nabanggit ng author ang lahat ng kasalanang binanggit ni Jesus.

Kung kinasusuklaman ni Jesus ang pagiging LGBTQ+, imposibleng hindi niya ito mababanggit sa isang pagkakataon na may nakilala siyang isang Roman centurion na humingi sa kaniya ng tulong para pagalingin ang tagapaglingkod niya. Mababasa ito sa Matthew 8:5-13 at Luke 7:1–10. Para sa maraming Bible scholars, may sexual aspect ang relasyon ng centurion at ng tagapaglingkod niya.[8] Kung kinasusuklaman ng Anak ng Diyos ang homosexuality, bakit niya pagagalingin ang tagapaglingkod ng centurion, na posibleng karelasyon din niya, nang hindi man lang sila sasawayin o babanggitin man lang ang tungkol dito?

Christian Homophobia at Legislation sa Filipinas

Napakalaking bahagi ng mga kontra sa SOGIE Equality bill ay mga organisasyong Kristiyano sa Filipinas. Dahil nga taliwas sa kanilang turo ang LGBTQ+ community, sinusubukan nilang labanan ito. Dahil dito, maraming LGBTQ+, lalo na ang mga kabataan, ang nagkakaroon ng trauma at mental health issues dahil sa mga karanasan nila sa loob ng relihiyong kinaaaniban nila. Kung ang isang samahán ay nakatatag sa pag-ibig bilang pundasyon nito, bakit marami ang nadi-discriminate sa loob nila, at marami ang nagkakaroon ng menta health issues?

Nakakatawa lang din na sa maraming issue gaya ng church tax, ipinaparada ng mga organisasyong ito ang separation of church and state. Pero sa issue ng LGBTQ+ at equality, sila itong panay-panay ang protesta at pagkilos para pakialaman ang mga batas ng estado.

Isa sa mga argumentong ibinabato nila ay nangangamba raw sila na baka bumagsak ang moralidad ng mga Pilipino kapag naipasá ang mga batas na naglalayong protektahan ang mga karapatan ng LGBTQ+ community. Pero hindi trabaho ng gobyerno na panatilihin ang moralidad ng bansa. Trabaho iyan ng simbahan. At bawat relihiyon ay may iba’t ibang moral code. Ang trabaho ng isang gobyerno ay ipagsanggalang ang karapatan ng bawat isang relihiyon na ito para magkaroon ng maayos na co-existence ang mga religious organization sa buong estado. At siyempre, pinoprotektahan din ng mga batas ng gobyerno ang mga karapatan ng mga taong hindi interesado sa relihiyon.

Kung talagang concerned ang mga simbahan tungkol sa moralidad ng bansa, magpopokus sila sa paglalaan ng resources para sa pangangaral ng mga turo at paniniwala nila sa mga existing members nila at sa mga taong gusto nilang i-convert sa halip na gamitin ang mga donasyon ng mga miyembro nila para pigilan ang mga affairs ng gobyerno. Nagbabayad ako ng tax para protektahan ako ng batas laban sa mga nagnanais manakit sa akin on the basis of my sexual orientation, gender identity, at gender expression. Kung talagang pag-ibig ang batayan ng mga religious organization, lalo na ang mga Christian denominations, bakit nila pipigilan ang mga batas na poprotekta sa mga marginalized? Bakit nila hahayaang patayin ang mga transgender nang kabilaan dahil lang sa identity nila? Simple ang sagot: homophobia.

Sa isip ko, nakikita ko ito bilang katamaran sa part ng mga evangelizers at religious organizations. Wala na siguro silang maisip na ibang marketing strategies para mapataas ang member count nila, kaya nais nilang gumawa ng ingay—habang sinasakripisyo ang kaligtasan ng iba.

Noong nasa lupa si Jesus, hindi niya pinigilan ang Roman empire sa mga batas nila. Sa katunayan, ayaw niyang mangialam, dahil ang kaharian niya ay nasa langit.[9] Nang tanungin siya kung ano ang opinyon niya tungkol sa paniningil ng Roman empire ng tax sa mga Judio, sinabi ni Jesus ang isa sa pinakakilaláng statements na sinabi niya:

Pay back, therefore, Caesar’s things to Caesar, but God’s things to God.

Matthew 22:21 (NWT)

Sa halip na dalhin ang lahat ng tagasunod niya at magprotesta sa gobyerno para magpasá ng mga batas laban sa pakikiapid, blasphemy o pamumusong, at iba pang bagay na kinapopootan ng Diyos, ipinokus niya ang lakas niya sa pangangaral sa mga tao. Bakit? Dahil alam niya na hindi trabaho ng estado na panatilihing malinis ang moralidad ng mga mamamayan nito. Bawat isang indibiduwal ay may sari-sariling moral code na sinusunod. May mga tao ring hindi naniniwala sa relihiyon o sa Diyos mismo. Alam ito ni Jesus. At nirerespeto niya ito.

Kaya ano ang mas magandang gawin ng mga simbahan? Dapat silang mag-focus sa mga tagasunod nila. Paigtingin ang preaching work at campaigns para maging mas matibay ang pagkakatatag ng moral code nila sa members nila. At kung hindi sang-ayon ang paniniwala nila sa same-sex marriage at iba pang issue, then by all means practice their beliefs. Huwag silang magpakasal sa kapwa nila lalaki o babae. Pero hindi nila dapat pigilan ang iba na gawin ang mga bagay na iyon. Hindi ko pinakikialaman ang paniniwala ninyo kahit hindi ako agree dito, kaya bakit ninyo papakialaman ang buhay ko kung hindi n’yo naman ako miyembro?

Your beliefs end where my body's boundaries begin.


  1. I am coming out. Francis Rubio. Published April 11, 2021. ↩︎

  2. Ang terminong third sex, bagama’t inaccurate, ay patuloy pa ring ginagamit sa ilang mga communities. Dahil sa modernong unawa natin sa psychology ng genders at sex, alam na natin na ang seskuwalidad ay isang spectrum. Ito ang sexual orientation, gender identity at expression (SOGIE). ↩︎

  3. Meanings of the Greek word “arsenokoitai” (1 Corinthians 6 & 1 Timothy 1), religioustolerance.org ↩︎

  4. What does ἀρσενοκοῖται mean?, Homosexuality in light of Evangelicalism ↩︎

  5. De Young, ‘The Source and NT Meaning of Αρσενοκοιται, with Implications for Christian Ethics and Ministry’, Masters Seminary Journal (3.2.196-197), 1992. ↩︎

  6. Has “Homosexual” always been in the Bible?, Justin Hershey ↩︎

  7. Latest NIV Bible Translation Clearer on Homosexual Sins, Says Theologian ↩︎

  8. Homosexuality in the Bible: The Centurion’s Servant, Isabella Green ↩︎

  9. John 8:23 ↩︎

Back to top