I also previously wrote about my ears.

Around 1st week of September, nagising ako 4 AM kasi sobrang sakit ng right ear ko. The night before, natulog akong naka-earbuds para makinig sa mga sleep aid ASMR. Upon checking, natanggal pala ang rubber padding sa earbuds ko. Di naman ako natakot kasi natatanggal naman talaga ang rubber padding ng earbuds ng Miniso. At kaya masakit ang tenga ko that time ay dahil na-scratch ng plastic edge ang aking inner ear.

Satisfied with that conclusion, I went back to sleep.

But since then, randomly sumasakit yung right ear ko. Akala ko dahil may sugat lang. Hinahayaan ko dahil maghihilom din naman.

Randomly din nafi-feel kong blocked ang pandinig ko, yun bang parang may tubig sa loob pag nag-swimming. Gano’n ang feeling. May history ako ng earwax buildup so akala ko gano’n lang ulit. Gano’n din nangyayari sa left ear ko.

'Ka ko, magpapa-ENT ako soon. I put it away in the back of my mind.

Na-push back nang paulit-ulit ang ENT checkup dahil busy sa work at pa-December na nga. And around this time, hindi ko na siya nararamdaman; sabi ko, ‘ay okay magaling na siya.’

Then nag-mandate na ang aming HR ng annual physical exam. Dahil may anxiety nga ako magpadoktor, push back na naman ang gaga, hanggang sa 2nd to the last day ng pasahan (December 4).

So finally nagpakita ako sa doktor today. While waiting na matawag ang pangalan ko for physical exam, aba’y biglang sumakit ang right ear ko na naman. Sinabayan pa ng blocked hearing. This is after weeks na wala na akong nararamdaman.

Then I remembered nga na magpapa-ENT ako. Okay haharap na ako sa doktor.

“Me’ problema sa mata, tenga, ilong, lalamunan?” tanong ni Doc.

“Wala p—” sagot ko sana, na pinutol ko agad. “Meron po pala sa right ear.”

Kinuha ni Doc yung pansilip niya sa tenga, at saka tumambad ang kahindik-hindik na pangitain. Sa wakas ay natagpuan niya sa loob ng aking tenga ang isang artipaktong matagal nang nawawala simula noon pang Setyembre: ang rubber padding ng earbuds kong galing Miniso.

So ayun, hanap ang gaga ng ENT dahil wala raw plais na pantenga ang doktor na nakausap ko.

Tumatanggap po ako ng bone-conducting earphones bilang Christmas gift. 😂


Now I keep saying na may AFAM ako sa tenga, dahil nga may foreign body sa loob.

Send a shoutout!

Did you post a response to this in your own website? Send me a webmention!

Don't have a website? Send a response via commentpara.de ! Copy and paste the URL of this webpage, and paste it on there along with your response. Comments can be anonymous, too!

You on the Fediverse yet?

If you have a Fediverse account, you can also send me a shoutout by commenting on this post:

Disgusting health stuff

Around 1st week of September, nagising ako 4 AM kasi sobrang sakit ng right ear ko. The night before, natulog akong naka-earbuds para makinig sa mga sleep aid ASMR. Upon checking, natanggal pala ang rubber padding sa earbuds ko. Di naman ako natakot kasi natatanggal naman talaga ang rubber padding ng earbuds ng Miniso. At kaya masakit ang tenga ko that time ay dahil na-scratch ng plastic edge ang aking inner ear.

Satisfied with that conclusion, I went back to sleep. (1/n)

Likes (across all platforms)

From the Fediverse

Likes and reposts

dyownie@mstdn.social Joan

@teacherbuknoy OMG! Pero buti pinilit na kayo ng HR na magpa-APE. Pucha, isipin mo kung mas matagal pa yang nasa loob ng tenga mo.

Merry Christmas! Maririnig mo na lahat ng karaoke session ng mga kapitbahay niyo.